Saturday, April 30, 2011
Tuesday, April 26, 2011
In-laws et cetera
In-laws.
Imagine life without them.
In a way I'm grateful that they brought my wife into this world, and I promptly brought their daughter into mine. I really am grateful for that.
(And here is the rant - sa wikang mahalimuyak sa pandinig)
Pero por diyos por santo, nang nagpaulan si bathala ng kakayahang makipagtalastasan at makipagusap sa paraang naangkop sa mga taong nasa hustong gulang na, tulog sila, nakakapote at nakapayong pa. Simpleng palitan ng tanong at sagot para maintindihan ang ilang pangyayari ay di pa magawa. Direktang pagtatanong para maliwanagan ang mga bagay bagay ay di magawa.
Bilang mga taong nasa hustong edad na, dapat naiisip natin na ang mga kwentong nasasagap ay may dalawang bersyon. Malamang sa hindi ay pamilyar sila sa konseptong ito, subalit ang pagiging pamilyar dito at ang aktuwal na pagsunod sa konseptong ito ay lubhang magkaiba.
Ang pagiging pamilyar dito ay mas madali, konseptong kayang himayin, nguyain at lunukin nang walang anumang kapaguran sa umiintindi. Ang pagsunod dito ay may kahirapan sapagkat kinakailangang ipakita ang pagintindi sa pamamagitan ng pagkilos na naayon sa konspetong nabanggit.
Patas ba. Magtanong sa magkabilang panig.
Hay naku. Tumataas ang hairline ko.
Now, imagine life with my new hairline.
Subscribe to:
Posts (Atom)